Tuesday, September 9, 2008

Tuesday, September 9, 2008

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Tanging ang pagiging maalalahanin at mahinahon ang makahahadlang sa namumuong hidwaan sa magkasintahan o mag-asawa. Kung idadaan sa init ng ulo at hindi pakikinggan ang panig ng kabila, tiyak na malaking gulo ang mangyayari. Pag-isipan munang mabuti kung anong kabutihan ang ibibigay na desisyon. Iwasang maging makasarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at avocado green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Hindi tamang sisihin ang taong nakagawa ng kapalpakan bagkus turuan nang tama at ipaliwanag kung ano ang mabuti upang hindi na maulit pang muli. Walang taong perpekto. Huwag magdamot ng karunungan dahil hindi ito madadala sa libingan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Mag-ingat sa mga sasakyan. Maging alerto dahil nakabuntot ang aksidente. Mag-ingat sa mga salitang bibitiwan nang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Iwasang umawat sa mga nag-aaway. Makabubuting mamalagi sa loob ng tahanan kung wala rin lang gagawin. Lucky numbers at color of the day 5, 10, 25, 36 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Bigyang-pansin ang trabaho kaysa ang alitan sa pagitan ng minamahal. Tama ang gagawin dahil kung sasalubungin ang init ng kanyang ulo ay lalong malaking gulo ang kahahantungan. Huwag mag-alala dahil paghupa naman nito ay magiging kasinlamig ng yelo at kailangan lamang ng yakap ng pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Kung may galit sa kapwa o may problema sa ibang tao, bigyan ng sapat na panahon na huwag kausapin ngayon dahil hahantong sa di-pagkakaunawaan at malamang mag-away. Piliin ang higit na nakatatanda na makakasama at ilahad ang hinanakit ng kalooban upang mabigyan ng magandang payo sa dapat gawin. Ibang tao ang makatutulong sa taglay na problema. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at emerald green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Hindi pagsisisihan ang pagpili sa mangingibig na napupusuan. Kung sasabayan ang init ng ulo ng kasamahan o kasuyo ay siguradong gulo ang kahahantungan. Kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnation pink.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Tiyaking maging presentable ang sarili dahil may mga taong makakaharap ngayon. Mas mabuting tulungan na lamang ang taong lalapit kaysa kutyain o sisihin sa kanyang kapalpakan. Huwag patulan kung may kasamahang mainit ang ulo. Mas makabubuting umiwas nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 37 at mint green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Isang kabiguan ang magbibigay ng magandang aral. Napapanahong magkaroon ng mga bagong kaibigan at pagpapalawak ng mga koneksiyon. Panindigan ang gagawing desisyon. Isaalang-alang ang payo ng mga taong nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Magpakatotoo at tiyak na kagigiliwan ng mga taong nakapaligid. Kung may kinaiinisan ngayon, magmasid at makiramdam na lamang at huwag nang magsalita. Ang problemang dinadala ngayon ay sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Ngayon lalong makikilala nang lubusan ang kasuyo. Mauunawaan kung bakit higit na kakaiba ang kanyang mga ikinikilos kaysa dati niyang gawi. Ang mga bakanteng oras ay dapat ibuhos sa pamilya kaysa gugulin sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 32 at emerald green.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Masigla sa umaga ngunit may problema sa dapithapon. Mapupunang inis sa iyo ang ilang kasamahan. Makabubuting harapin at kausapin sila nang masinsinan upang malaman ang tunay na dahilan ng problema. Madaling maresolba ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Makabubuting manahimik na lamang kaysa maghatid ng anumang hindi magandang balita dahil iba rin ang magiging kahulugan nito sa makatatanggap. Mahihirapang magdesisyon kung sino sa dalawang malapit sa iyo ang sasamahan. Ang mga praktikal na bagay ang dapat ipairal ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

No comments: