Monday, September 8, 2008

Lunes, Setyembre 8, 2008

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - May kaguluhan ang isip o ang trabaho sa umaga ngunit magiging normal ang sitwasyon sa dapithapon. Kung may mag-anyaya na sosyalan, pagbigyan dahil dito matatagpuan ang magandang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Huwag munang pakialaman ang pinakapaboritong gawain sa unang oras ng trabaho sa umaga dahil sa hangad na magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - May darating na mga pagbabago sa trabaho at kung naging pasaway noon, dapat baguhin upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day 4, 29, 31, 39 at orange.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Ibaling mo nang husto ang atensiyon sa gustong gawin para sa sarili kaysa pakialaman ang landas na gustong tahakin ng ibang tao. Ang naunsiyaming pangarap ay sariling kagagawan ngunit may malaking pag-asang makamit kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 22, 38 at cream.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Kung may makasagupa na walang paggalang, siya ay larawan lamang ng sarili. Panahon ng pagbabago ng masamang ugali upang matamo ang paggalang at respeto ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 18, 30 at blue.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Hindi maiiwasan na magkaroon ng suliranin sa tahanan o pinapasukan ngunit mga simple lamang ang makakasagupa na kayang-kayang resolbahin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Kung wala rin lamang mahalagang lakad ay makabubuting manatili na lamang sa loob ng tahanan. Kung may suliranin, maging bukas sa kapareha dahil alam niya at hinihintay lamang ang iyong pagtatapat. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 24, 41 at green.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Mapalad sa iyong hanapbuhay kaya dapat paigtingin ang pangangalaga rito. Huwag padala sa sulsol ng iba o makinig sa mga tsismisan lalo at wala itong matibay na basehan o ebidensiya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20) - Nasa kamay ngayon ang pagdedesisyon. Lawakan ang pang-unawa at timbangin ang bawat hakbang na dapat gawin. Kung saan sa inaakala mo ang tama at maligaya ay siyang dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 30, 35 at fuchsia.

GEMINI (May 21-Hun. 21) - Kaunting panahon na lamang at mapapasakamay na ang tagumpay. Huwag bitiwan ang ginagawa at pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at yellow.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Huwag sundin ang kutob dahil magkakamali. Pag-aralan muna ang mga bagay na dapat gawin bago kumilos upang makatiyak ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 17, 29 at white.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Ang kayabangan ay kailanman hindi nagdudulot ng magandang bunga bagkus nakapagpapairita sa kapwa at kahihiyan. Walang magiging kalaban kung magiging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 14, 31 at violet.

No comments: